Saturday , November 16 2024

Int’l money laundering syndicate may ‘poste’ sa PH banks

HABANG abala ang buong mundo sa paglaban sa pandemyang coronavirus disease (COVID-19), nalusutan ang dalawang pinakamalaking banko sa Asya ng isang international syndicate at ninakaw ang may $2.1 bilyon mula sa German payments company Wirecard AG.

Napag-alaman, dalawang haragang empleyado ng BDO Unibank Inc., at Bank of the Philippine Islands (BPI) ang ginamit umano ng international syndicate upang gumawa ng palsipikadong bank documents para palabasin na nasa mga naturang banko ang $2.1 bilyon ng Wirecard AG.

Batay sa ulat sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inihayag ng BDO na sinibak nila ang isang  marketing officer matapos mameke ng  bank certification para sa EY Germany, habang ang BPI ay isinailalim sa preventive suspension ang isang junior officer dahil sa pag-iisyu ng palsipkadong certification.

Nabatid na nagpadala ng abiso ang BDO at BPI sa external auditor ng Wirecard na Ernst & Young (EY) na ang mga dokumento, na nagpapatunay at tumutukoy sa naturang pondo, ay peke.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, nagamit ang pangalan ng BDO at BPI ngunit walang perang pumasok sa nasabing mga banko.

Nanindigan aniya ang BDO at BPI na ang Wirecard ay hindi nila kliyente at wala silang “business relationship” sa German firm.

Sinabi ng isang bank official na kailangang maghigpit sa background check ng mga tatanggaping empleyado at dapat i-monitor ang lahat ng mga empleyado ng mga banko upang hindi na maulit ang insidente.

Ang presensiya ng German firm sa bansa sa pamamagitan ng Wirecard e-Money Philippines Inc., ay bunsod ng ipinagkaloob na electronic money issuer license ng BSP.

Nasa proseso pa nang pagtatayo nito ng local EMI business at may isa lamang corporate client na may inisyung 20 prepaid cards.

Ayon sa BSP, ang Wirecard scandal ay magkaiba sa $81 million cyber heist noong 2015 na yumanig sa PH banking industry.

Matatandaan na ilegal na napunta sa RCBC dollar account nina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara, Enrico Teodoro Vasquez, William So Go, at Kam Sin Wong (Kim Wong) ang $81 milyon na ninakaw ng hackers sa Bangladesh Bank.

Noon pa umanong May 2015 binuksan ang nasabing dollar accounts sa RCBC ngunit gumalaw lang nang ilegal na ilagak ang ninakaw na $81 milyon mula sa Bangladesh Bank.

Naging mainit noon ang isyu ng ‘paglalabada’ ng pera o money laundering.

Ang money laundering ay anomang aksiyon na nagkukubli ng mga salaping nakuha mula sa ilegal na paraan o krimen upang ito ay magmukhang nanggaling sa legal o lehitimong pinagmulan.

Napaulat na ang Filipinas ay naging ideyal na lugar para sa money laundering bunsod ng mahigpit na bank secrecy laws sa bansa.

Ang casino ay hindi sakop ng Anti-Money Laundering Law noong panahong iyon kaya idinadaan dito ang $81-milyong ninakaw sa Bangladesh.

Upang maiwasang maganap muli ito ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huyo 2017 ang bagong Anti-Money Laundering Law na saklaw na ang operasyon ng casino. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *