Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Junar Labrador, nakabitin ang mga acting project

AMINADO si Junar Labrador na malaki ang naging epekto ng Covid19 sa mundo ng showbiz at isa siya sa nasagasaan nito. “Well, malaki ang naging epekto sa industriya ng showbiz, unang-una sa mga nagtatrabaho sa harap at likod ng camera na ang kanilang ikinabubuhay ay ang paggawa ng mga pelikula at mga teleserye. Ang mga taong ‘yun lang ang naging hanapbuhay nila.

“Sa part ko, masasabi kong masuwerte rin ako sapagkat mayroon ako ng propesyon na sinasandalan at ikinabubuhay bukod sa larangan ng showbiz, kaya’t ang aking gina­ga­wa sa kasa­lukuyan ay suportahan ang aking mga kaibigan sa showbiz na gumagawa ng paraan para kahit paano ay matugunan ang kanilang pang-araw-araw na panga­ngailangan,” esplika ni Junar.

Aniya, ”As of now, fortunately I still have my regular job as a Project Manager/Architect for Suntrust Properties Inc., and if my time permits, I do online auditions and VTRs for TV commercials – na ‘yun ang nagiging practice ngayon sa mga auditions, mga online VTRs.”

Nagkuwento rin siya ng mga project na naudlot muna dahil sa pandemic. “Right now may naka-pending ako na isang indie movie under Little Brown Production ni Danny “Brownie” Pansalin. Nakapag-shoot na kami ng ilang days kaso noong nagkaroon ng Covid19 crisis sa atin, na-stop muna siya and pending clearances para sa pagre-resume ng mga tapings at shootings, kaya waiting pa muna kami para mag-proceed na uli.

“It’s an action/drama movie entitled Bilang Ganti… mayroon din akong naka-line up na two advocacy films coming from Sparkling Stars Production, waiting lang for the arrival of direk Johnny Mateo from abroad anytime soon. Siyempre mag- undergo pa siya ng quarantine and everything before we proceed with the pre- production meeting and eventually mag-shoot na. These movies are tentatively titled Minsan May Isang Guro at Nasaan Ka Inay, hopefully everything will be okay na in the coming days para matuloy na po ang stand by na projects.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …