UMAASA ang Malacañang na matutuldukan ang kalbaryo ng mga pasahero sa pagbabalik pasada ng mga bus, modernong jeepneys, at UV Express simula ngayonng araw, 22 Hunyo.
“Well, alam po ninyo siguro matatapos na iyong hinagpis natin sa kakulangan ng public transportation beginning June 22 po,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque kamakalawa.
Kailangan aniyang ipatupad ang social distancing sa mga pampublikong sasakyan upang maiwasang magkahawaan ng sakit at ang mga bus ay 50% lamang ang kapasidad.
Dapat aniyang isaisip tuwina ng mga mamamayan, nariyan pa rin ang coronavirus disease (COVID-19) habang wala pang natutuklasang gamot at bakuna.
(ROSE NOVENARIO)