Monday , May 12 2025

Roque hugas-kamay sa pagpapabitiw kay Leachon sa NTF Covid-19 (‘Pambansang laway lang ako.’)

UPANG patunayan na wala siyang kinalaman sa pagpapabitiw kay National Task Force on COVID-19 special adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon, tila hugas-kamay na tinawag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang sarili bilang “pambansang laway.”

“He (Leachon) is giving me too much credit, pambansang laway lang po ako, wala po talaga akong kapangyarihan na mag-compel sa kahit sino sa kanila na mag-resign,” tugon ni Roque sa pahayag ni Leachon na pinagbitiw siya sa task force nina Roque at Health Secretary Francisco Duque III dahil sa pagbatikos niya sa sablay na data management ng Department of Health (DOH) kaugnay ng pandemyang coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Giit ni Roque, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na hindi dapat sinasabi ni Leachon ang kanyang mga pahayag sa social media.

Matapos magbitiw sa task force kamakalawa ay inihayag ni Leachon na sinabi sa kanya ni Galvez na hindi kursunada nina Roque at Duque ang pagbatikos niya sa mga kapalpakan ng DOH.

“My manner of communicating to the public that is truthful, transparent, open and straightforward may not be aligned with the communication strategy of the Palace. I think that is where we disagreed,” ani Leachon.

Sa pagbibitiw ni Leachon, ipinagtanggol ng National Task Force on COVID-19 ang desisyon nilang hayaan magbitiw ang isa sa kanilang advisers, na inakusahang pinangungunahan ang kanilang mga krusyal na desisyon at nagiging dahilan ng dibisyon sa hanay ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Dahil sa akusasyon, sinabi ni Leachon sa panayam: “Is this the price right now for telling the truth? Is this the price for being honest and transparent?”

Dagdag ni Leachon, “In crisis, we should not tolerate mediocrity. We should demand accountability.” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *