Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
OFW

761 OFWs mula Lebanon, UAE dumating sa bansa  

NAKABALIK na sa Filipinas ang 761 overseas Filipino workers (OFWs) mula Lebanon at United Arab Emirates (UAE).

 

Umabot sa 761 OFWs ang panibagong batch na nakauwi sa pamamagitan ng repatriation program sakay ng dalawang chartered flight.

 

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), unang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang unang batch na binubuo ng 405 stranded OFWs mula Lebanon sakay ng Qatar Airways flight QR-3150 na lumapag sa NAIA terminal 2.

 

Sumunod na dumating ang Cebu Pacific mula UAE sakay ang 356 stranded overseas Fililpino na lumapag sa NAIA terminal 3.

 

Ang mga repatriated Filipino ay sumailalim sa COVID-19 test sa kanilang pagdating bago dinala sa isang pasilidad kung saan sila sasailalim sa mandatory quarantine batay sa mga guidelines na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Batay sa datos ng DFA, aabot sa mahigit dalawang milyong overseas Filipinos sa Middle East, habang 29,676 OFWs sa Lebanon at nasa 618,726 Fililpino naman sa UAE.

 

Ang DFA, kasama ang mga Embahada at Konsulado ng Filipinas sa buong mundo, ay nananatiling nakatuon sa pagpapauwi ng ating mga kababayan na apektado ng pandemyang COVID-19.  (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …