Saturday , November 16 2024

Gambol ni Digong (Desisyon ngayon)

ITINUTURING ng Malacañang na ‘gamble’ para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilalahad na desisyon ngayon sa magiging kapalaran ng Metro Manila at Metro Cebu sa mga susunod na araw kasunod ng paglobo ng bilang ng mga nagposistibo sa coronovirus disease (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa pagpapasya ay hindi lamang ibinabatay ni Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) kundi binabalanse rin niya ang ekonomiya at ang kakayahan ng health care system na magbigay lunas sa mga magka­kasakit nang malubha o critical care capacity ng bansa.

“It’s a gamble po na hinayaan na natin ang Presidente na magde­sisyon,” sabi ni Roque sa panayam kamakalawa.

Tatlong opsiyon aniya ang pinagpipilian ng Pangulo, ang mas malu­wag na modified general community quarantine (MGCQ); manatiling general community quarantine GCQ; o bumalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Maaari aniyang salu­ngatin ng Pangulo ang rekomendasyon ng IATF-EID gaya nang nauna niyang pagkontra sa panukala nitong mag­daos ng face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.

Aminado si Roque na nahihirapan pa rin umusad ang bansa dahil hindi pa napabababa ang kaso ng COVID-19 ay naglulunsad na nang pagtitipon ang ilang grupo.

Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan noong Biyernes ay naglunsad ng “Mañanita Protest” ang iba’t ibang militanteng grupo sa buong bansa bilang pagtutol sa nakaambang paglagda ni Pangulong Duterte sa Anti-Terror Bill na sinertipikahan niya bilang urgent bill kaya lumusot sa Kongreso bago nag-adjourn ang session.

“Napakahirap tala­gang desisyon iyan ano. So, ako naman po, talagang nananawagan ng kaunting kooperasyon po. Iyong mga huling araw, kahapon, mayroon na naman pong nagtipon-tipon, hindi po natin tinututulan ang ating mga karapatan pero sa panahon po ng COVID, kauna-unahang pag­kakataon na ganito po sa buong daigdig since one hundred years ago,” aniya.

Ilalahad ngayon ni Roque sa virtual press briefing ang estado ng kaban ng bayan kasama ang mga inihayag na loan agreements na nasungkit ng administrasyong Duterte sa iba’t ibang lending insitututions sa buong mundo para sa kampanya kontra COVID-19.

Giit ni Roque, hindi puwedeng iasa sa utang ang pantustos sa pag­laban sa COVID-19 kaya kailangan magbayad ng buwis ang mga mama­mayan.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *