‘FAKE NEWS’ ang balitang kumakalat ngayon sa social media na muling isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila matapos ang 15 Hunyo.
Ito ang paglilinaw ni Department of Interior and Local Governmwnt (DILG) Sec. Eduardo Año, na siyang vice chairperson ng National Task Force Against COVID-19, kasabay ng pagsasabing walang katotohanan ang ulat.
Sa 15 Hunyo (ngayong arw) matatapos ang general community quarantine (GCQ) na ipinaiiral sa National Capital Region (NCR).
Kumalat ang balitang maibabalik sa mas mahigpit na ECQ ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon.
“It’s fake,” ayon kay Año.
Naunang nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang rekomendasyon hinggil dito ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ang desisyon ay nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
(A. DANGUILAN)