Monday , May 12 2025
NANATILI sa ilalim ng flyover malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, sa Pasay City ang mga pasaherong stranded na karamihan ay overseas Filipino workers (OFWs) mula pa noong nakaraang linggo. Nag-viral sa social media ang miserableng kalagayan nila sa ilalim ng flyover mula nang itaboy sila sa airport, ngunit itinatwa silang OFW ng Palasyo --- ‘stranded passengers’ lang umano sila ayon sa tagapagsalitang si Secretary Harry Roque. Ilang kababayan ang nagmalasakit na dalhan sila ng pagkain at inumin. (ACD)

Miserableng lagay ng OFWs, ‘itinatwa’ ng Palasyo

ITINATWA ng Palasyo ang nag-trending na video ng may 200 stranded na overseas Filipino workers (OFWs)  sa social media, na ilang araw nang pagod, puyat at gutom habang nananatili sa ilalim ng Skyway malapit sa NAIA sa pag-asang makasakay ng eroplano pabalik sa lalawigan.

 

“lilinawin ko lang: VIP treatment talaga ang mga OFW. Wala pong natulog sa ilalim ng tulay na OFW, lahat po ng ating OFW naka-hotel. Binabayaran po ng gobyerno, kaya nga po VIP iyan at libre rin ang pauwi sa kanila. Iyong mga nasa ilalim ng tulay po, tama po ang sinabi ninyo, ito po iyong mga stranded na ating mga kababayan,” walang pasubaling inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual press briefing kahapon hinggil sa viral video na lumabas sa website ng Radyo Inquirer.

 

Sa naturang video ay matutunghayan ang salaysay ng isa sa OFWs na si Razel Daquitan na tatlong araw nang  nananatili sa ilalim ng Skyway sa NAIA.

 

Aniya, galing siya sa Macau at inabot ng lockdown kaya hindi nakauwi sa Davao kaya’t nag-aabang ng sweeper flight para maihatid siya sa lalawigan tangan ang lahat ng requirements gaya ng health at travel clearance.

 

Umiiyak na isinalaysay niya, imbes tulungan sila ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay itinuro na magpunta sila sa Villamor Airbase.

 

“Monday ng gabi, pinaghiwlay kami akala namin makauuwi kami, may ibang dumating na sinabihan kami bawal tumambay hindi sila naawa kahit sa buntis, wala kaming magawa para kaming mga baboy, basura,” aniya.

 

Wala rin aniya silang maayos na pagkain at tulugan.

 

Ayon kay Roque, may bagong polisiya ang National Task Force na pinamumunuan ni Carlito Galvez at Department of Transportation (DOTr) para matulungan ang mga stranded dahil “Filipino pa rin sila.”

 

“At habang wala naman talagang provincial buses e, napakahirap makauwi galing Metro Manila papuntang probinsiya. Gaya ng aking sinabi kanina, magsisimula po tayo roon sa pagte-test sa kanila using iyong rapid test kits diyan sa Villamor Golf Course at isasakay po sila pauwi ng DOTr at ng NTF,” dagdag ni Roque.

 

Sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa US$33-B ang naiambag sa kaban ng banya mula sa OFW remittances noong 2019. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *