Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klinton Start, bilib sa galing ng CN Halimuyak products

KINUMUSTA namin si Klinton Start kung ano ang latest na pinagkakaabalahan niya ngayon. Baka kasi after ng three months na pagka-quarantine dahil sa Covid19, kinakalawang na siya sa sayawan.

Sagot ng binatang binansagang Supremo ng Dance Floor, “Siyempre una po, hindi mawawala ang pagwo-work-out po para maging fit pa rin po ako and pangalawa po, nanonood po ako ng mga dance video sa YouTube, tapos ay gagayahin ko po.”

Naibalita rin ni Klinton ang latest sa kanilang show na Yes Yes Show from SMAC Television Production.

“Nagkaroon po kami ng segment na “Debateens,” kung saan po bibigyan po kami ng topic na pag-uusapan po namin, and mayroon din po kaming mga mapapanood na performances rito.”

Kung puwede na silang mag-shooting or taping, maiilang ba siya? “Matatakot po, kasi po hanggang ngayon is hindi pa rin po safe talaga lumabas, tapos ay wala pa rin pong vaccine. Kaya natatakot pa rin po kami, hanggang ngayon.”

Ano ba ang nami-miss niya nang sobra sa labas?

Wika niya, “Nakaka-miss na po ‘yung gumagala kami kasama ang family po and mga kaibigan po, dahil halos tatlong buwan na rin po kaming nasa bahay lang, kaya nakaka-bore po nang sobra.”

Lastly, gaano ka-effective at helpful sa kanilang family ang mga CN Halimuyak products ng CEO nitong si Ms. Nilda Tuason, lalo na ngayong may Covid19?

Pahayag ni Klinton, “Sobrang effective po dahil alam naman natin na hanggang ngayon po wala pa ring gamot para sa Covid. Kaya po nakatutulong nang sobra ang mga product from CN Halimuyak Pilipinas, dahil po tinutulungan po kaming maging mas malinis at higit po sa lahat, safe at malayo po sa mga virus na tulad ng Covid19, na kumakalat ngayon.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …