Monday , May 5 2025

Staysafe.ph ‘unsafe’ sa gera vs Covid-19 (Privacy protocols, contact tracing mahina)

WALANG kahihinatnan ang pag-alma ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT ) Undersecretary Eliseo Rio, Jr., laban sa inaprobahang contact tracing app ng administrasyong Duterte dahil wala na siya sa puwesto.

 

Ibinunyag kamakalawa ni Rio na ang pagkuwestiyon niya sa kapabilidad ng StaySafe.ph bilang official contact tracing app ang dahilan nang pagsibak sa kanya sa puwesto.

 

Ayon kay Rio, hindi ligtas ang StaySafe.ph na inaprobahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious DiseaseS (IATF-EID) bilang official contact tracing app dahil mahina ang privacy protocols at abilidad sa contact tracing, dalawang mahalagang salik para makontrol ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasorpresa siya sa pahayag ni Rio pero wala na itong patutunguhan dahil tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.

 

“So medyo nasorpresa rin po ako sa kaniyang declaration dahil I distinctly remember na ang sabi niya, talagang gusto na rin niyang magpahinga. And besides, iyong kaniyang resignation po was really tendered to the President and therefore it is up to the President to accept resignation or not. It was accepted, so hanggang doon na lang po iyon,” ani Roque sa virtual press briefing kahapon.

 

Binigyan diin ni Rio na umuubra ang StaySafe.ph sa 3G capable phones at mga bagong modelong cellphones kaya’t may 20 milyong Pinoy na gumagamit ng 2G devices ang maeetsapuwera bukod pa sa mahina ang signal sa ilang lugar sa bansa.

 

Ang StaySafe.ph ay isang health monitoring app na may location tracker ngunit hanggang ngayon, ayon kay Rio, ay walang contact tracing capability.

 

Nagsisilbi itong database ng cellphone numbers pati ang kanilang location na maaaring gamitin sa paniniktik.

 

Tiniyak ni Roque, ligtas ang data privacy sa paggamit ng StaySafe.ph dahil ang Cyber-Libel Law ang magsisilbing proteksiyon ng mga mamamayan laban sa pag-eespiya.

 

“Well, mayroon pong sapat na safeguard ‘no dahil pati iyong ating Cyber-Libel Law will be the ultimate protection for the people. So kapag ginamit po iyan for espionage e pupuwede po iyang maging basehan for criminal prosecution,” ani Roque.

 

Ang StaySafe.ph ay ginawa ng Multisys Technologies Corp., isang kompanyang “party owned” ng telco giant PLDT Inc., ni Manuel V. Pangilinan, isa sa mga binansagang oligarko ni Pangulong Duterte.

 

Matatandaan na sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalo na walang dapat gastosin ang gobyerno sa contact tracing o paghahanap ng mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19 dahil libre ang teknolohiyang ito mula sa Philippine National Police (PNP). (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *