UMABOT sa higit 5,000 frontliners ang isinalang sa swab test ng Makati City Health Department.
Kinompirma ng Makati local government unit (LGU) na nagsagawa sila ng mass testing sa frontliners partikular sa mga health center ng lungsod.
Ayon kay Makati city mayor Abby Binay, layon nitong maging ligtas ang kanilang health workers frontliners sa virus upang magampanan ang kanilang tungkulin sa makatizens na maagapan ang pagkalat ng COVID-19.
Batay sa datos ng Makati City Health Department umabot sa higit 5,000 frontliners ang sumailalim sa swab test.
Sa kabuuan, umabot sa 5,181 individuals ang naisalang ng City Health Office sa swab testing na hinihintay na lamang ang resulta upang maihiwalay sa quarantine facility at magamot ang mga magpopositibo sa COVID-19. (JAJA GARCIA)