Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya pinalayas ng parak sa nirerentahang bahay

INIUTOS ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa Pasay Police ang nag-viral na video footage ng isang unipormadong pulis na nakikipagtalo sa isang pamilya na hindi makabayad ng upa, sa Pasay City.

Nabatid, ang uploader ng video ay isa sa miyembro ng pamilyang sangkot sa pakikipagtalo sa pulis na nangyari sa Barangay 145 Pasay City noon pa umanong 12 Abril 2020, nang sila ay pinalayas dahil hindi makabayad ng dalawang-buwang renta.

 

Saklaw umano ng enhanced community quarantine (ECQ) at naisipan lamang na i-upload sa Facebook nang hindi pumayag ang pulis na makuha nila ang kanilang mga gamit hangga’t hindi nababayaran ang utang sa renta.

 

“I immediately called Pasay Police chief, Col. Ericson Dilag, and directed him to investigate this matter, and undertake necessary measures on the involved policeman if the evidence and facts would merit it,” ani Mayor Emi.

 

“Our policemen are among the frontliners that we regard in high esteem. It is very disturbing when one of them gets involved in a controversial incident, especially when he or she causes the eviction of a tenant family in the midst of the ECQ, and allegedly in a high-handed manner at that,” anang alkalde.

 

Nabatid na sinibak ni P/Col. Dilag ang pulis na nasa video na kinilalang isang P/Sgt. Macquranay, nakatalaga sa Sub-Station 5 ng Baclaran, para bigyang-daan ang isinasagawnag imbestigasyon. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …