Saturday , November 16 2024

Anti-Terrorism Bill, hindi anti-human rights — DILG  

HINDI anti-human rights ang ang anti-terrorism bill.

 

Ito ang pinanindigan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa halip ay pinoprotektahan ng batas ang karapatan ng mga inosenteng tao mula sa mga terorista.

 

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, layon ng Anti-Terrorism Bill na burahin ang terorismo sa bansa.

 

“Ang layon ng Anti-Terrorism Bill ay puksain ang terorismo sa bansa. Walang dapat ikatakot ang mga tao rito. Mga terorista at kanilang mga tagasuporta lamang ang dapat matakot,” ayon kay Año sa isang pahayag.

 

“Ang panukala ay isang mapusok at napapanahong pagbabago sa ating mga sandata laban sa lahat ng uri ng terorismo, maging komunista man o mga violent extremists na naging salot na sa ating bansa nang ilang taon. Ang paglusob sa Marawi ng Maute Group at iba pang grupong kahanay ng ISIS, at ang mga atake ng mga komunista sa mga sibilyan ay isang malinaw at kasalukuyang panganib sa buhay ng ating mga kababayan,” dagdag ni Año.

 

Inilinaw ng kalihim na ang panukalang batas ay isinulong hindi upang labagin ang karapatang pantao.

 

“Ang pag-aakala na ang Kongreso ay magpapasa ng batas na magbabalewala sa mga karapatan ng mga Filipino ay hindi makatotohanan. Ang batas na ito ay para sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mamamayan, at pagdurog sa terorismo na matagal nang problema ng ating bansa,” paliwanag niya.

 

“Bilang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nakakakita ng problemang dala ng mga teroristang ito sa mga pamahalaang lokal, kami ay nagpapasalamat sa Kongreso sa pagpasa nila sa panukalang batas,” dagdag ng kalihim.

 

Tiniyak ni Año sa publiko na ang panukalang batas ay para lamang sa pagpuksa ng terorismo sa bansa.

 

Ang panukalang batas ay nauna nang inaprobahan ng Senado noong Pebrero at layon nitong amiyendahan ang mga probisyon ng Human Security Act of 2007.

Isiniwalat ng kalihim na nahirapan silang magsagawa ng anti-terror operations sa ilalim ng lumang batas. Sa kabila nito, nakasaad pa rin sa panukalang batas ang mga proteksiyon laban sa torture at iba pang ilegal na gawain.

 

Pinasinungalingan ni Año ang pahayag na ang panukalang batas ay magbibigay-daan sa mga abuso ng pulisya. Sa katunayan, pinagtitibay aniya nito ang kapangyarihan ng mga alagad ng batas na protektahan ang mga tao sa banta ng terorismo habang pinangangalagaan ang mga karapatan ng mga naaakusahan ng krimeng ito.

 

Makukulong ng sampung taon ang alagad ng batas na lalabag sa karapatan ng mga taong makukulong.

 

“Mapaparusahan po ang sinomang lumabag sa karapatang-pantao ng mga masasakdal na mga terorista, tinitiyak din po iyan ng Anti-Terrorism Bill,” aniya.

 

Ipinaliwanag ng kalihim na ang mga magmumungkahi, magbubuyo, magsasabwatan, at makikibahagi sa pagpaplano, pagtuturo, paghahanda at pagbibigay-daan sa mga gawaing terorista, at ang mga mag-aambag at magrerekrut ng mga kasapi sa mga teroristang grupo ang mga papatawan ng parusa ng panukalang batas.

 

Itinanggi ng kalihim na sisikilin ng Anti-Terror Bill ang karapatan ng mga taong magpahayag ng kanilang saloobin laban sa pamahalaan.

 

“Terrorism shall not include advocacy, protest, dissent, stoppage of work, industrial or mass action, and other similar exercises of civil and political rights,” pahayag ni Año. (ALMAR DANGUILAN)

 

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *