Friday , May 9 2025

Tamang desisyon  

BUONG puso tayong sumasang-ayon sa desisyon ng gobyerno na huwag munang payagan na pumasok ang mga estudyante at magsagawa ng face-to-face learning. Tama ang kanilang desisyon dahil lubhang mapanganib at nakamamatay kapag nagsimula nang magkahawa-hawa ang mga tao bunga ng COVID-19.

 

Nakikiisa tayo dahil katigtasan at kalusugan ng estudyande at tagapagturo ang nakataya. Kapag nandiyan na ang bakuna ay okey na ang magturuan at mag-aral sila. Dapat matiyak muna ang bagay na iyon upang makalma ang pag-aalala ng mga magulang.

 

Ang distant learning na ito ay tatawagin ngayong blended learning para sa mga walang gamit na pang-internet, may mga printed na module na idedeliber sa mga bahay ng mga taga-barangay. Ang online learning platform ng Department of Education (DepEd) ay may 7 million subscribers na ang aralin ay madaling makukuha ng mga guro at magulang.

 

Nagsagawa ng survey ang DepEd kung saan natuklasan na mahigit 700,000 ang may laptop at desktop. Sa mga bahay na walang koneksiyon sa internet, ang 15 porsiyento ng airtime sa telebisyon ay dapat ilaan sa aralin ng bata. Nakikipagtulungan na ang DepEd sa ibang ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng IBC-13 para rito.

 

Sigurado naman na lahat tayo ay hindi handa dahil pumapasok tayo sa panibagong pintuan ng paglaban sa COVID-19 .

 

Ang kailangan lang dito ay pagtutulungan ng lahat para magtagumpay. Marami pa tayong balakin na inaasam para sa bansa. Pero ang lahat ay mababalewala kung masisira ang kinabukasan ng mga kabataan dahil sa COVID-19.

 

Huwag nating alisan ng oportunidad ang mga kabataan na makapag-aral. Pero alalahanin pa rin ang kaligtasan at kalusugan nila na dapat mapangalagaan sa lahat ng sandali, lalo sa panahon ng krisis tulad nito. Edukasyon man ang susi ng tagampay, alalahanin na mas mahalaga pa rin ang buhay at kaligtasan ng tao.

 

Laging isaisip na walang bago sa mga aralin. Ang tanging bago ay ang pamamaraan ng pagpapatupad ng edukasyon. Kung kailangang maghawak-kamay sa laban na ito ay gawin ng lahat para magtagumpay tayo.

 

Dapat maging buo rin ang tiwala natin sa gobyerno sa laban na ito. Ginagawa nila ang lahat para mapangalagaan ang publiko. Kapag sinabi nilang manatili sa bahay ay manatili tayo sa loob. Makikita natin na sa bandang huli, tayong lahat din ang makikinabang at magkakasamang magtatagumpay.

 

Wala naman sa atin ang gustong magkasakit ng COVID-19 o mahawahan ng demonyong virus na ito, tama ba?

 

 

*              *              *

 

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

 

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *