Noong active pa ang It’s Showtime, laging pinagtatawanan ni Vice Ganda si Pastor Apollo Quiboloy, ang lalaking nagpahinto raw ng lindol.
Ang challenge niya, pumunta nga raw sa EDSA ang pastor at pahintuin niya ang matinding traffic roon.
Or better still, pahintuin raw nito ang pag-ere ng Ang Probinsyano.
Oh, well, alam na siguro ng mga tao kung ano ang nangyari sa traffic sa EDSA. Hindi nga ba’t napakaluwag na nito dahil sa COVID-19?
Ano rin ang nangyari sa Ang Probinsyano?
Ang sabi, hihintayin na lang daw ni Quiboloy kung ano ang mangyayari but the challenge is accepted.
Kailan daw ba gustong ma-stop ni Vice ang Ang Probinsyano?
Isang buwan, dalawa, tatlo o apat?
Baka raw sa ika-apat hindi lang daw ang Ang Probinsyano ang ma-stop. Baka pati ang network nina Coco at Vice, stop na rin.
Oh, well, braggadocio won’t bring you anywhere.
Look at what happened to Vice Ganda? Kinain niya lahat ng kanyang sinabi.
‘Di ba naman?
‘Yun nah!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.