GANDANG-GANDA si Sharon Cuneta sa Kapuso artist na si Gabbi Garcia.
Sa isang Instagram photo shoot na ipinost ni Gabbi sa kanyang Instagram na napaliligiran siya ng electric fans, sabi ni Shawie, sa tingin niya, isa si Gabbi sa may pinakamagandang mukha sa industriya.
“I think you are one of the most beautiful,” saad ni Shawie.
Kinilig si Gabbi sa natanggap niyang papuri mula sa megastar.
Tugon ng Kapuso artist, “Omg! Hi Ms. @reallysharoncuneta! My parents and I just rewatched “Caregiver” last night.”
Kahit ang reruns lang ang napapanood ngayon kay Gabbi, aktibo rin siyang tumutulong sa mga apektado ng Covid-19.
I-FLEX
ni Jun Nardo