Monday , December 23 2024

Payo ng Palasyo sa GCQ: Kung walang company ‘shuttle’ ‘wag magbukas ng negosyo

HUWAG magbukas kung walang ilalaan na transportasyon para sa kanilang mga empleyado.

Payo ito ng Palasyo sa mga kompanya sa mga lugar na isasailalim sa modified enhanced community quarantine simula bukas (MECQ).

“We do not want to be like other countries that reopened their economies and then experienced a second wave. If the company cannot provide a shuttle or if their employees do not have transportation, they should not open yet because it is important for us to avoid a second wave,” ayon kay Roque.

“It’s a policy decision. We want to restart the economy but not at the expense of having a second wave,” dagdag niya.

Ang mga itinuturing na high-risk areas gaya ng Metro Manila, Laguna, at Cebu ay isasailalim sa MECQ simula bukas habang ang lahat ng iba pang lugar sa bansa ay nasa general community quarantine (GCQ).

Bawal pa rin ang public transportation sa MECQ at ang pinapayagan lang ay company shuttles na may kalahating kapasidad  habang puwede ang personal vehicles para sa mga manggagawa sa permitted sectors, dalawa sa bawat hanay sa kotse, at bawal pa rin ang bisikleta, motorsiklo at E-scooter.

Sa GCQ ay puwede na ang lahat ng uri ng transportasyon pero sa limitadong kapasidad lamang at may social distancing ang mga pasahero. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *