Tuesday , April 29 2025
OFW

OFWs isosoga sa COVID-19 global pandemic (Kahit daan-daang libo hindi matulungan)

KAYSA mamatay nang gutom sa Filipinas, mas nanaisin ng overseas Filipino na sumabak sa panganib ng coronavirus disease (COVID-19) sa ibang bansa para itaguyod ang kanilang pamilyang nagdarahop dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

 

Inianunsiyo ng Palasyo kahapon na inaprobahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF- MEID ) ang Resolution No. 36 na nagpapahintulot sa mga land-based or sea-based OFWs na muling umalis ng bansa.

 

“Kinakailangan lang po na magsumite sila at lumagda ng deklarasyon na alam po nila ang risk na kanilang haharapin kung sila po ay pupunta sa kanilang mga trabaho. Hindi po kasama rito iyong mga health professionals na sakop pa rin ng deployment ban na inisyu ng POEA,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual press briefing kahapon.

 

Pinapayagan na rin aniya ang mga recruitment and placement agencies na mag-operate sa areas na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at sa General Community Quarantine (GCQ).

 

“Ang mga tanggapan at ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpoproseso po ng deployment at allied services ay dinirektahan na magtayo ng ‘green lane’ para mapabilis po ang pagproseso ng mga papeles ng mga kababayan natin na magtatrabaho sa abroad,” dagdag ni Roque.

 

Ang hakbang ng gobyerno ay sa gitna ng dagsang reklamo ng mga umuwing OFWs na pinabayaan sila ng gobyerno sa mga pinaglagakang quarantine facility pagdating nila sa bansa.

 

Kaugnay nito, inamin ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sa 411,000 applications na natanggap ng Overseas WEelfare ADministration (OWWA) para sa Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) ay mahigit 100,000 lamang ang naaprobahan.

 

Ang AKAP ay programa ng DOLE na nagbibigay ng P10,000 o $200 ayuda sa bawat displaced at stranded OFWs bunsod ng pandemyang COVID-19.

 

Paliwanag niya, kinapos ang P1.5 bilyong pondo para sa AKAP kaya’t nanghingi pa ang DOLE sa Department of Budget and Management DBM ng dagdag na P2.5 bilyon ngunit isang bilyon pa lamang ang naaprobahan.

 

Kinompirma ni Bello, may bayad na P4,000 para sa COVID-19 swab testing ng OFW na isasagawa ng Red Cross pero ang recruitment o manning agency ang dapat magbayad at kung hindi ay OWWA ang sasagot nito.

 

Sa kasalukuyan, sabi ni Vince Dizon, Presidential Adviser on Flagship Projects, ang Presidente ng BCDA at ang Deputy Chief Implementer ng National Task Force COVID-19, 10,000 OFWs ang sumailalim sa swabbing test sa mga swabbing centers ng gobyerno. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *