Monday , December 23 2024

Criminal, admin charges vs Sinas & his Voltes gang — Malacañang

SASAMPAHAN ngayon ng kasong kriminal ng Philippine National Police (PNP) si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Mgen. Debold Sinas, at ang senior officials na dumalo sa kanyang Votes V-themed birthday party habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine ECQ dulot ng pandemyang coronavirus (COVID-19).

“Per my latest conversation with Philippine National Police chief PGen. Archie Gamboa, a criminal case is now being readied to be filed tomorrow against NCRPO chief Debold Sinas, along with other senior police officials who attended the gathering,” ayon sa kalatas ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipinadala sa media, kahapon.

Kukuha aniya ng clearance ang PNP sa Office of the President para masampahan ng mga kasong administratibo si Sinas at ang kanyang ‘Voltes Gang’ dahil sa paglabag sa quarantine protocols.

Hindi binanggit ni Gamboa kung anong mga kasong kriminal at administratibo ang isasampa laban sa kanila.

“The PNP is also getting clearance from the Office of the President regarding the filing of administrative charges in violation of quarantine rules against the alleged violators,” dagdag ni Roque.

Si Sinas ay isang third level officer at isang presidential appointee kaya’t kailangan ng clearance mula sa Tanggapan ng Pangulo para sa paghahain ng mga kasong administratibo, gayondin ang mga senior police official na presidential appointees din.

“Maj. Gen. Sinas is a third level officer and a presidential appointee; hence, a clearance from the OP is needed for the filing of administrative charges of the PNP. The same applies to the senior police officials who are also presidential appointees.”

Nauna rito, inihayag ni Roque, si Executive Secretary Salvador Medialdea ang nag-utos sa PNP-Internal Affairs Service na imbestigahan ang Voltes V-themed birthday party ni Sinas na ginanap sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City noong 8 Mayo.

Nais aniya ni Medialdea na ideretso sa kanyang tanggapan ang resulta ng imbestigasyon.

Matatandaan, umani ng matinding kritisismo mula sa publiko ang kumalat na mga larawan sa social media ng magarbong Voltes V-themed birthday party ni Sinas na dinaluhan ng mahigit 50 katao, may masaganang pagkain at mga alak at tila debutanteng inalayan ng 18 roses ang heneral ng kanyang mga tauhan.

Kapuna- puna rin ang pananahimik ng kilalang maingay na si Pangulong Rodrigo Duterte na walang habas kung bumatikos sa mga pasaway o mga hindi sumusunod sa quarantine protocols.

Naging kontrobersiyal ang naging pahayag ng Pangulo na “shoot them dead” laban sa mga pasaway sa ECQ noong naraang buwan. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *