Sunday , April 27 2025

P13-B ex-deal hirit ni Lorenzana sa Filipino insurgents (Kapalit ng armed struggle)

NAG-ALOK ng exchange deal si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Filipino insurgents na binabatikos ang planong pagbili ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng attack helicopters.

 

Sinabi ni Lorenzana, payag siya sa suhestiyon ng mga makakaliwang grupo na ibigay na lang sa tao ang P13 bilyones pondo ng AFP para ipambili ng attack helicopters kung ititigil ng New People´s Army (NPA) ang armadong pakikibaka.

 

Paliwanag niya, 50 taon ng nanggugulo ang NPA  kaya naoobliga ang Defense department na mag-angkat ng armas pandigma para labanan sila.

 

“Ngayon, iyong komentaryo ng mga bumabatikos ng ganiyan ay sinagot ko na iyan kasi mayroon nagsabi na bakit daw …  iyong mga leftist side, sabi ay bakit daw bibili tayo, bakit hindi natin ibigay na lang sa mga tao? Agree ako riyan. I agree that buying these helicopters is I think … we would rather give it to our people. Kaya lang ang sabi ko, itigil ninyo iyong inyong armed struggle at ititigil din namin ang pagbili ng ganitong armas. Kasi 50 years na kayong nanggugulo riyan, gusto ninyo mapigilan kaming mag-angkat ng mga panlaban sa inyo pero hindi ninyo naman ititigil iyong inyong ginagawang armed struggle,” giit ni Lorenzana.

 

Nauna rito, binatikos ng International Coalition for Human Rights in the Philippines- United States Chapter ang pagbibigay ng ‘go signal’ ng US State Department na magbenta sa Filipinas ng anim na Boeing Apache AH-64E at anim na Bell Viper Attack helicopters na nagkakahalaga ng US$2 bilyon o P100 bilyon.

 

Anang grupo, ang ipagbibiling armas pandigma sa Filipinas ay mapupunta lamang sa mga awtoridad na nagiging mas malupit sa ilalim ng ipinatutupad na community quarantine sa bansa dulot ng pandemyang COVID-19.

 

Ayon kay Lorenzana, mahal ang nasabing attack choppers ng Amerika at sa budget na P13 bilyon ng AFP, mas makabubuting tumingin muna sa ibang bansa ng mas mura para mas marami ang mabili. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *