Monday , December 23 2024
COVID-19 lockdown

Modified ECQ ibinaba sa NCR, Laguna, Cebu City

ISASAILALIM sa modified enhanced community quarantine simula sa Sabado, 16 Mayo, hanggang sa 31 Mayo ang Metro Manila, Laguna at Cebu City, ayon sa Palasyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, itinuturing ang mga nasabing lugar bilang high risk para sa coronavirus disease (COVID-19) infection batay sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease Resolution No. 35.

Sa naturang sitwasyon ay limitado pa rin ang kilos at pagbiyahe ng mga tao sa pagbili o pagkuha ng mga pangunahing pangangailangan, serbisyo, at trabaho.

“Ang modified na ECQ is ECQ, kaya lang merong ilang industriya na bubuksan hanggang 50 percent at meron pa rin ilang zona, mga barangay, o grupo ng mga barangay na mananatili sa ilalim ng ECQ. Hinay-hinay, dahan-dahan, unti-unti po ang ating pagbubukas,” sabi ni Roque.

Habang simula sa Sabado ay isasailalim sa general community quarantine ang ilang lugar na may moderate risk ng COVID-19.

Tinukoy ni Roque ang mga nasa GCQ simula sa 16 Mayo gaya ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Baguio City, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Qurino, Santiago City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Olongapo City, Quezon, Rizal, Batangas, at Lucena City.

Gayondin ang Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Isabela City, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte. Surigao del Sur, at Butuan City.

Kailangan aniyang beripikahin ang sitwasyon sa Davao City, Davao de Oro, Angeles City, at Cavite.

Batay sa IATF Resolution No. 35 , tinanggal sa community quarantine simula sa Sabado, 16 Mayo, dahil low risk areas sa COVID-19 infection ang Ilocos Sur, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Puerto Princesa City, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, Sorsogon, at Naga City sa Luzon.

Sa Visayas ay, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Iloilo City, Bacolod City, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Western Samar, Southern Leyte, Ormoc City, at Tacloban City.

Habang sa Mindanao ay sa Bukidnon, Camaguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, North Cotabato, South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, General Santos City, Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at Cotabato City.

Ang Ilocos Norte, Pangasinan, La Union, Dagupan City, Albay, at Legazpi City ay isasailalim sa reassessment. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *