ISASABAK kontra pandemyang coronavirus (COVID-19) ang may 1.5 milyong Pinoy na nawalan ng trabaho mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa iba´t ibang parte ng bansa.
Iminungkahi ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglaan ng pondo para bigyan ng trabaho bilang contact tracer ang may 1.5 milyong obrero na nawalan ng hanapbuhay dulot ng ECQ.
Katuwiran ni Dominguez, isang araw ang ginugugol ng isang contact tracer para sa isang kaso kaya napakatagal ng proseso nang pagtunton sa mga nakasalumuha ng pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.
“You know we lost about 1.2 — 1.5 million jobs. They are temporarily lost but you know if we hire these guys to do contact tracing, which we are having a very hard time right? Doing the contact tracing. I think we can provide good jobs to people. Because sometimes it takes one contact tracer one whole day to do contact tracing for one case. So we need to hire enough contact tracers to match the numbers we expect that will come with more testing,” aniya sa pulong ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease kay Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi.
Natapos nitong 8 Mayo ang programa ng Department of Finance (DOF) na Small Business Wage Subsidy Program (SBWSP) na nagbigay ng hanggang P8,000 ayuda sa mga manggagawa ng maliliit na kompnayang naapektohan ng ipinatupad na ECQ.
Ipinaaapura rin ni Dominguez sa Kongreso ang pagpasa ng Package 2 ng Comprehensive Tax Reform Program o ng Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) hanggang sa 03 Hunyo.
“To attract investors who want to relocate from other countries and in surge of resilient high growth potential economies like the Philippines, this will involve the urgent passage of CITIRA or Package 2 of the Comprehensive Tax Reform Program, which we now proposed to include flexible tax and non-tax incentive so we can target specific companies that we want to invest here. The bill has been with the Senate for a few months. We would like to ask for your support so that Congress can pass this before June 3,” dagdag ni Dominguez. (ROSE NOVENARIO)