HINIMOK ng Malacañang ang mga lider ng mga Simbahan sa mga lokal na pamahalaan na manawagan para payagan makabalik ang religious activities habang umiiral ang enhanced at general community quarantine bilang pag-iingat laban sa pandemyang coronavirus (COVID-19).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang tumanggi sa pagbabalik ng religious activities dahil imposibleng maipatutupad ang social distancing.
Inihayag kamakalawa ni Manila Archdiocese Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na nagtakda ang Simbahan ng temporary guidelines na ipatutupad kapag pumayag ang gobyerno na magsagawa muli ng religious gatherings.
“I’m sure po na karamihan ng mga miyembro sa IATF ay sang-ayon na ipagpatuloy ang mga religious gatherings. They need not be convinced. Ang tumutol talaga local officials,” ayon kay Roque. (ROSE NOVENARIO)