Monday , December 23 2024

Ayuda sa mahihirap ‘wag kanain — Palasyo (‘Scam’ sa SAP)

HUWAG ‘kanain’ ang ayuda para sa mahihirap.

Nagbabala kahapon si Presidential Spokesman Harry Roque na aarestohin ng mga pulis at ikukulong sa quarantine facilities ang mga opisyal ng barangay na magnanakaw sa mga ayuda ng pamahalaan para sa mga maralita.

“Kinakailangang ikulong sila nang maturuan ng leksiyon na huwag pong ‘kanain’ ang ayuda na nakalaan para sa pinakamahihirap sa ating lipunan,” aniya sa virtual press briefer kahapon.

Inatasan aniya ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para imbestigahan ang mga lokal na opisyal na nagnanakaw ng mga pinansiyal na ayuda para sa mahihirap.

“Nagkaroon na po ng pag-uutos sa CIDG. Sila na po ang itinalaga para tumanggap ng mga reklamong gaya dito. So, pumunta po kayo sa CIDG at huhulihin po natin iyang mga opisyales na iyan,” sabi ni Roque.

Nag-alok kamakailan ng P30,000 pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang magsusumbong ng korupsiyon ng kanilang lokal na opisyal.

Ilang beses na rin nagbanta ang Pangulo sa mga opisyal ng barangay ngunit tila walang natatakot at patuloy pa rin ang mga reklamo ng katiwalian sa pamamahagi ng ayudang  pinansiyal sa mga maralita. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *