Saturday , November 16 2024
Metro Manila NCR

ECQ nais palawigin ng metro mayors (Duterte papayag?)

MALAKI ang paniwala ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Chairman Metro Manila Council na papabor ang pamahalaan sa panawagan ng mayorya sa Metro Mayors na palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) hanggang 30 Mayo.

 

Sampu sa 17 alkalde sa National Capital Region (NCR) ang mas gusto ng extension sa umiiral na ECQ.

 

Kamakalawa, nagpulong ang MMC at inihayag ni Olivarez sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, ang posibilidad na hindi opsiyon kung luluwagan ang lockdown sa ibang lungsod habang ang iba naman ay nasa mas mahigpit na quarantine.

 

“We cannot have one city under ECQ, while another is under GCQ. That would be complicated. If there is an ECQ, every city should be placed under ECQ,” ani Olivarez sa kaniyang naunang pahayag.

 

Inihalimbawa ni Olivarez na kung ipatutupad na ang general community quarantine (GCQ) sa 16 Mayo, ang mga residente ng Parañaque na sakop ng ECQ ay haharangin sila sa boundaries para sa checkpoints.

 

“Definitely hindi makapapasok sa Parañaque ang mga workers na galing sa cities under GCQ dahil magkakaiba ang COVID protocols ng bawat lungsod,” giit ng alkalde.

 

Sa naging pulong ng MMC, ang mga lungsod ng Makati, Las Piñas at Quezon City ay nais maisailalim na sila sa GCQ, gayondin ang Malabon at Maynila.

 

Samantala, ang QC at Maynila na patuloy pa rin sa pagtaas ng bilang ang COVID-19 patients ay nanatiling may pinakamataas na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila.

 

Sa naging usapan sa urgent MMC meeting kamakalawa, ang first option ay i-extend ang ECQ, ang second option ay ‘softer’ GCQ, at ang third option ay “modified” GCQ.

 

Nagangamba si Olivarez na hindi pa man umano na ‘flattened ang curve’ ay posible ang mas matinding second wave kung mabibigong i-isolate ang COVID-19 patients.

 

Aniya, sa ulat ng World Health Organization (WHO), lumalabas na ang Luzon ang mas matinding tinamaan at may COVID-19-related deaths at ang Metro Manila ang may pinakamaraming naitalang namatay na nasa 71.8%, kasunod ang Calabarzon na 12.3 %, at Central Luzon 4.1%.

 

Sa online survey 73% ang pabor sa ECQ extension.

 

Ayon kay Olivarez, sa isinagawang survey ng PUBLiCUS Asia Inc., sa NCR sa pagitan ng 5 Mayo hanggang 8 Mayo 2020, nasa 73% ng respondents ang nagsabing gusto nilang palawigin ang ECQ.

 

Ang 1,000 respondents ng online panel survey ay nasa edad 18 hanggang 70.

 

Kung anuman ang magiging desisyon ng IATF ay igagalang ng Metro mayors, pahayag ni Olivarez. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *