BINIGYANG-LINAW muli ng GMA Network na na-renew na nito ang franchise bago pa man ito mag-expire.
Eh sa pagsasara ng ABS CBN dahil sa hindi na-renew ang franchise, idinadawit ang Kapuso Network tungkol sa franchise nito.
Twenty two days bago mag-expire ang GMA original franchise, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 21, 2017 ang Republic Act No.10925 para ma-renew for another 25 years ang franchise ng Republic Broadcasting System na ngayon ay mas kilala bilang GMA Network, Inc..
So walang pagkakapareho ng circumstances ang dalawang networks. Walang katotohanan ang mga bintang na patuloy pa ring nag-broadcast ang GMA kahit expired na ang franchise nito.
Na-renew ang franchise bago ang expiry date nito.
Of course, wala namang pagbubunyi ang Kapuso Network sa pagsasara ng ABS-CBN. Sa totoo lang nga, ilang Kapuso artists din ang nalungkot sa pagsasara ng Channel 2 at ibang channels nito.
I-FLEX
ni Jun Nardo