Saturday , December 21 2024
ABS-CBN congress kamara

Kapabayaan ng Kongreso — FEU Law Dean (Sa ABS-CBN Shutdown)

 “FOCUS now must be on Congress [Magpokus tayo ngayon sa Kamara]” ang naging huling paalala ni Far Eastern University Institute of Law dean at dating broadcaster na si Atty. Melencio Sta. Maria sa taongbayan sa kanyang live webcast na pinamagatang “Interview with Dean Mel Sta. Maria.”

Ang interview ay umikot sa pagsagot sa mga katanungan tungkol sa pagpapahinto ng broadcast ng ABS-CBN at kung ano ang mga legal na konsiderasyong umiikot sa napasong prankisa ng nasabing media giant.

Nitong 4 Mayo 2020 ay tuluyan nang napaso ang 25-taong prankisa ng ABS-CBN na mag-operate ng mga TV at radio broadcasting stations sang-ayon sa Republic Act 7966.

Sa legal niyang pananaw ay batas ang naggawad ng prankisa sa ABS-CBN kaya dapat batas din ang magpapalawig sa buhay nito.

“Isang statute rin po at legislation ang makapagpapalawig ng buhay ng prankisa [ng ABS-CBN]. Wala na pong iba,” diin ni Sta. Maria.

Kontra ito sa pagdiin ng ABS-CBN at ilang kongresista na nagsasabing ang pagtigil ay dahil sa hindi pagpayag ng National Telecommunications Commission (NTC) na magbigay ng Provisional Authority.

Ayon sa abogado, ang “mere joint resolution” na mas mababa sa batas kahit magmula sa Kongreso ay hindi sasapat [upang mapahaba ang buhay ng prankisa ng ABS-CBN].

“Kung ang prankisa ay iginagawad ng Kongreso, may kapabayaan po ang Kongreso,” saad ni Sta. Maria matapos hindi  iusad, pinag-usapan at tinapos ng Kongreso ang pagbabalangkas ng prankisa bago pa magtapos ang Marso.

Ito rin ang pagtingin ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na nagpahayag na dapat sisihin ang mga miyembro ng mababang kapulungan na tumangging dinggin ang renewal ng prankisa ng ABS-CBN bago ito mapaso.

Umamin ang oposisyon na si Buhay Party-list representative Lito Atienza, na siyang patnugot ng panukalang ma-renew ang prankisa ng ABS-CBN, na Kongreso ang may pananagutan at “scapegoat” lamang ang NTC sa nasabing kapabayaan.

“I would like to apologize for the failure of Congress to do its job. Kasalanan namin ito e. Kasalanan ng Kongreso ito. But more important, I’d like to say, squarely, kasalanan ni Speaker Cayetano ito. Pagkukulang niya ito sa bayan,” ani Atienza.

Si Solicitor General Jose Calida naman na isa sa mga nagbabala sa NTC laban sa paggawad ng provisional authority sa ABS-CBN sa kabila ng kawalan ng balidong prankisa ay nagsabi rin na ang dapat nating tinatanong ay “bakit hindi ito inaksiyonan ng Kongreso? Na siyang may kasalanan dito.”

 

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *