Saturday , November 16 2024

Psychiatric evaluation, training ng AFP at PNP suhestiyon ng lady solon

NANAWAGAN si Rep. Niña Taduran ng ACT-CIS party-list ng malawakan at malalimang pagsasanay sa sikolohika (psychological training) ng mga tagapagpatupad ng batas upang mas maging epektibo sa paghawak ng mga sitwasyong may kinalaman sa mga taong may problema sa pag-iisip.

Ang panawagan ay ginawa ni Taduran makaraan ang pagkakabaril at pagkamatay ni Private First  Class Winston A. Ragos na nasita sa isang checkpoint sa Quezon City.

Ayon sa Asst. House Majority Floorleader, napigilan sana ang ganitong sitwasyon kung may kasanayan ang mga nagmamando sa checkpoint sa pagtugon sa mga may problema sa pag-iisip.

“Dapat ay nagpatupad ng maximum tolerance ang mga pulis lalo sa panahong ito ng enhanced community quarantine na halos lahat ay natatakot, nagagalit at nangangamba dahil hindi sigurado kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw dahil sa COVID-19,” ayon kay Taduran.

“Obvious namang may problema sa pag-iisip si Ragos dahil ayon sa report, dumeretso siya sa mga pulis na nagbabantay sa checkpoint at walang kaabog-abog na minura ang mga naroon nang walang dahilan,” dagdag ni Taduran.

Ayon sa mambabatas, sa ilalim ng  Republic Act Number 11036, kailangang pinoprotektahan ang karapatan ng mga may problema sa pag-iisip.

“Siguro panahon na rin upang tingnan ang Philippine Mental Health Act dahil hindi naman nito nasakop ang paraan kung paano tutugunan ng mga tagapagpatupad ng batas ang sitwasyong may kinalaman sa mga may problema sa pag-iisip,” ani Taduran.

Kailangan din dagdagan ang suportang medikal at psychiatric evaluation sa mga pulis at militar na nagkakaroon ng war shock o post traumatic stress disorder (PTSD) dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin upang maiwasang maulit ang nangyari kay Ragos.

Si Ragos ay napag-alamang dating militar na isinabak sa labanan sa probinsiya at nagkaroon ng sakit na PTSD at schizophrenia. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *