NAGHAIN ng diplomatic protests ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China dahil sa pagtututok ng gun control director sa barko ng Philippine Navy at pagdedeklara sa teritoryo ng Filipinas na bahagi ng Hainan province.
Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr., ang hakbang ng China ay malinaw na paglabag sa International Law at sa soberanya ng bansa.
Sa tweet ni Locsin, sinabi niyang inihain ang dalawang diplomatic protest sa Chinese Embassy sa Maynila nitong Miyerkoles, pasado 5:00 pm.
Dagdag sa tweet ni Locsin, “@DFAPHLWE worked on this the whole day. And that is all that will be said on it because diplomatic notes are strictly confidential between the two states parties. Period.”
Inaasahan din umano ng Kalihim na wala nang magkokomento sa gobyerno tungkol dito dahil wala silang kakayahan at tanging si Pangulong Rodrigo Duterte ang maaaring maghayag nito. (JAJA GARCIA)