Saturday , December 21 2024

P35-M renta ng gobyerno sa barkong 2GO ni Dennis Uy (Bilang quarantine facility)

TULOY-TULOY ang suwerte ni presidential crony Dennis Uy dahil nagbabayad ang gobyerno ng P35 milyon sa kanyang logistics company na 2GO Group Inc., para magamit ang dalawang barko na pagmamay-ari nito bilang quarantine facility ng mga taong pinaghihinalaang positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

“Nirerentahan po ito ng gobyerno, ‘yung dalawa mga P35 million ho. Mura naman ‘yan at nagamit if you will compute on the basis of bed-space and use,”  ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade sa virtual press briefing kahapon.

Sa text message sa mga mamamahayag, sinabi ni Transportation Assistant Secretary Goddess Libiran, ang ibinayad na P35 milyon sa kompanya ni Uy ay bilang upa sa dalawang barko niya na gagamitin sa loob ng dalawang buwan.

Matatandaan, bago ang krisis sa COVID-19 ay napaulat na humihingi ng state guarantee ang negosyanteng kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Dennis Uy  para sa kanyang bilyon-bilyong pisong uutangin sa mga banko para higit na palawakin ang kanyang mga negosyo.

Kabilang sa mga negosyo ni Uy ang telecommunications, ang kompanya niyang Dito Telecommunity Corp., at ang partner na China Telecom ang nakasungkit ng prankisa bilang 3rd major telco player.

Si Uy, ang Chairman ng Board of Directors ng 2GO Group; Founder, Chairman, at Chief Executive Officer ng Udenna Corporation.

Naging kontrobersiyal din ang kanyang misis na si Cherylyn Chiong Uy sa social media dahil bago idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine (ECQ), ipinakita niya ang punong-punong grocery carts sa S&R BGC na nagkakahalaga umano ng halos isang milyong piso saka nilagyan ng caption na: “Very my yayas and chef! Need to stock up!” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *