LALAHOK ang Filipinas sa mga pag-aaral at pagsubok sa mga potensiyal na lunas sa coronavirus (COVID-19) disease.
Tiniyak ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa ASEAN Plus Three Virtual Summit on COVID-19 kahapon.
Iginiit ng Pangulo ang pangangailangan sa scientific cooperation upang makatuklas ng bakuna laban sa COVID-19.
“We are confident our scientists and experts within and outside our region will rise to this colossal challenge. A vaccine and/or treatment must be found sooner rather than later,” aniya.
Binigyan diin ng Pangulo na lahat ng bansa ay dapat magkaroon ng patas at madaling makakuha ng bakuna at lunas sa COVID-19.
Nagpasalamat ang Pangulo sa ayudang natanggap ng bansa mula sa China, Japan at Republic of Korea. (ROSE NOVENARIO)