Monday , December 23 2024

PH at China magkasangga, US problema — Duterte (Sa panahon ng COVID-19 pandemic)

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ang China ang tunay na kasangga ng Filipinas sa panahon ng coronavirus (COVID-19) pandemic sa buong mundo habang ang Amerika ay bahagi ng problema ng bansa.

Sa kanyang briefing kamakalawa ng gabi, ipinagmalaki ng Pangulo na tiniyak sa kanya ni China President Xi Jinping ang buong suporta sa Filipinas kontra COVID-19 bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagtatanggol sa mga pagbatikos sa kanilang bansa bilang pinagmulan ng infectious disease na pumepeste sa mahigit 100 bansa sa buong mundo.

“I don’t know if I have to say this but I have a sort of a note from President Xi Jinping expressing his full support for us at this time and citing what we did to help China and of course to erase the, not really erase, but to counter the malign that they were suffering at early at this stage,” aniya.

Binigyan diin niya ang hindi paniniwala sa mga ulat mula pa noong Enero na nagmula umano sa isang laboratory sa Wuhan, Hubei na may kaugnayan sa covert biological weapons program ng China.

“Hindi naman nila kasalanan galing ‘yung — who would really want to invent a microbe to kill humankind pati ‘yung iyo…” giit ng Pangulo.

Wala pa man natutuklasang gamot o bakuna ang China kontra COVID-19, labis na ang pasasalamat ni Pangulong Duterte kay Xi at tiwala siyang magiging prayoridad ang Filipinas sa mabibigyan ng antibodies sakaling matuklasan ito ng Beijing.

“I would like to thank President Xi Jinping for his support. At kung galing lang China, wala kayong problema,” aniya.

“I think we can have the priority anytime. It’s in the other countries, producing the antibody. But if China catches up with them, e ‘di okay na,” dagdag ng Pangulo.

Kung abot-langit ang papuri ni Pangulong Duterte sa China, kritisismo ang ibinato niya sa Amerika sa pagpapadali ng proseso sa pagrerekluta ng Pinoy health workers sa kanilang bansa.

“Ngayon ganito ang problema namin, America is part of the problem of the Filipinos now. Kasi sa karaming tinamaan sa kanila, marami nang patay maski sino na lang nananawagan sila basta ‘yung nurse, mga nurse sige punta kayo sa embassy, i-process nila ang visa one day, kinabukasan lipad ka na,” sabi ng Pangulo.

Kinakabahan aniya ang administrasyon na kulangin ang nurse sa bansa dahil sa laki nang inaalok na suweldo sa kanila sa US.

Batay sa bagong guidelines na inaprobahan ng Inter-Agency Task For for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) puwedeng umalis ng Filipinas ang lahat ng medical at healthcare professionals na may umiiral na kontrata sa ibang bansa at hindi sila sakop ng Philippine Overseas Employment Administration’s (POEA) temporary deployment ban.

(ROSE  NOVENARIO)

PH LALAHOK
SA PAG-AARAL
AT PAGSUBOK
VS COVID-19

 LALAHOK ang Filipinas sa mga pag-aaral at pagsubok sa mga potensiyal na lunas sa coronavirus (COVID-19) disease.

Tiniyak ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa ASEAN Plus Three Virtual Summit on COVID-19 kahapon.

Iginiit ng Pangulo ang pangangailangan sa scientific cooperation upang makatuklas ng bakuna laban sa COVID-19.

“We are confident our scientists and experts within and outside our region will rise to this colossal challenge. A vaccine and/or treatment must be found sooner rather than later,” aniya.

Binigyan diin ng Pangulo na lahat ng bansa ay dapat magkaroon ng patas at madaling makakuha ng bakuna at lunas sa COVID-19.

Nagpasalamat ang Pangulo sa ayudang natanggap ng bansa mula sa China, Japan at Republic of Korea. (ROSE  NOVENARIO)

MAYOR
NA ‘PASAWAY’
VS ECQ
IPAAARESTO

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng “second wave” ng mga kaso ng COVID-19 kapag hindi naipatutupad ang social distancing alinsunod sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at ibang bahagi ng bansa.

“Itong epidemic or pandemic, hindi ito natapos na sabihin mo ‘yung nasa ospital, ‘yung ginagamot ngayon, ‘yun ‘yung first wave. May second wave ito,” aniya sa briefing kamakalawa ng gabi.

“‘Yan ang ibig sabihin kung bakit (dapat) dapat i-maintain ninyo ang social distancing rule,” aniya.

Dahil dito, muling nagbanta ang Pangulo na aarestohin ang alkalde na hindi nagpapatuapd ng social dsitancing sa kanilang lugar.

“Kayong mga mayors, ‘wag kayong maglaro. Kasi kung ayaw ninyo mag-social distancing, mapipilitan ako na puntahan kita at arestohin kita,” sabi ng Pngulo.

“Ang batas ng DOH, as implemented by [Defense Secretary Delfin] Lorenzana, [Interior Secretary Eduardo] Año, [Presidential Peace Adviser Carlito] Galvez, sila, ayan ‘yung batas ngayon. ‘Yung sarili mong paniwala, itago mo lang ‘yan,” giit niya.

Pinaalalahanan ng Pangulo ang mga opisyal ng barangay na tungkulin nila na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan sa pamamagitan nang pagtukoy sa tunay na dahilan ng pagpanaw ng residente.

“It behooves upon the barangay captain to see to it that kung sino ‘yung namatay, siguradohin lang pagsabi, heart attack. Kasi kung walang pinagsasabi then testing kaagad,” aniya.

“Kung malaman ko na namatay sa corona, kunin ko ‘yung patay at sa gusto ninyo at hindi, magagalit kayo sa akin, wala na rin akong magawa, trabaho ko ‘yan, dalhin ko ‘yan doon sa crematory, sunugin ko.” (ROSE  NOVENARIO)

 

BAKUNA VS COVID-19
SAGOT PARA
SA ‘NEW NORMAL’

TATANGGALIN ang umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine kapag may mabibili nang gamot o bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

May dalawang pharmaceutical companies ang aniya’y gumagawa ng lunas sa COVID-19 at posibleng ipagbili na ito sa susunod na buwan.

“I cannot mention the pharmaceutical giants. But one of them has developed an antibody. The antibody did not come from humans. They are catching up with one another. They said by May, maybe they would start to market it… if it’s already available and people are using it, I would lift it (quarantine). If you get sick, we can buy antibodies,” sabi ng Pangulo.

Gayonman, dahil aniya sa mahirap na bansa ang Filipinas, maaaring ang mayayamang nasyon ang mauunang makabili nito.

Kaugnay nito, walang ideya si IATF spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pahayag ng Pangulo.

Tiniyak niya na tinatalakay sa IATF meetings ang ipatutupad na protocols sa transition period mula sa ECQ tungo sa community-based quarantine.

“We will identify what industries, how many percentage of workers or the work force;  transport sector, what we will do; and all of these other factors that we will allow to slowly operate, then we will set very strict and stringent guidelines on what the new normal is,” ani Nograles.

Kabilang aniya sa magiging bahagi ng ipatutupad na “new normal” ay  “wearing of mask, social distancing, physical distancing, personal hygiene.”

(ROSE  NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *