TALAGANG maldita itong isang not so young actress (NSYA) Hangga’t maaari, ayaw niya na may nagpapa-picture sa kanya.
Ayon sa aming source, nang minsang lapitan siya ng apat na fan noong makita sa taping para magpakuha, ay bigla itong nag-dialogue na isa lang ang puwedeng magpakuha sa kanya.
At pasigaw niyang sinabi ‘yun ha.
Sa takot ng fans, isa nga lang ang nagpa-picture.
Pero nang umalis na itong si NSYA ay nakasimangot pa.
Nagbulungan tuloy ang mga fan. Maganda lang si NSYA pero pangit naman ang ugali.
Sino si NSYA? Mestiza siya. (Rommel Placente)