Monday , December 23 2024

Virtual press briefing ipatutupad ng Palasyo

VIRTUAL press briefing ang idaraos ni Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo sa Mala­cañang Press Corps simula ngayon.

Inihayag ito ng Office of the Presidential Spokes­person kahapon.

Ibig sabihin, hindi na kailangan magpunta ni Panelo sa Malacañang bagkus ay maaaring sa kanyang bahay na lamang makapanayam sa pamamagitan ng video call.

Naging kapansin-pansin na nakasuot na rin ng face mask si Panelo nang humarap sa mga miyembro ng MPC kahapon sa press briefing sa Palasyo.

Paliwanag ni Panelo, wala naman siyang pro­blema bagama’t napa­­paubo siya paminsan-minsan at ang pag­susuot ng face mask ay bahagi ng pre-emptive measure upang makatiyak din naman na walang tata­maan ng virus sa sandaling may lumabas sa kanyang bibig.

Ipinatupad mismo sa hanay ng MPC ang social distancing na isang paraan para makaiwas sa kinatatakutang COVID-19.

Sa regular press briefing na isinagawa sa Palasyo, one seat apart ang naging set up sa upuan ng mga mama­mahayag para iobserba ang kailangang dis­tansiya sa isa’t isa.

Ganoon pa man, hindi naging ganap na pulido ang social distancing sa press briefing area mata­pos mapansing walang distansiyang nakita sa hanay ng TV crew dahil na rin sa limitadong espasyo sa kanilang puwesto.

Hindi binanggit kung ang virtual press briefing ay may kinalaman sa kalusugan ni Panelo o sa kanyang pahayag na “walang namamatay sa gutom.”

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *