MAHIGPIT na ipinatutupad ng Presidential Security Group (PSG) ang “no touch policy” at pananatilihin ang 10-meter distance sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng audience sa mga pagtitipon na kanyang dadaluhan.
Para sa mga pribadong functions at meetings, tanging ang mga nagpasuri at negatibo sa COVID-19 ang papayagang lumapit sa Pangulo.
Ang mga tao na hindi pa nagpapasuri ay dapat magkaroon ng anim na talampakan o dalawang metrong distansiya mula sa Pangulo.
Sinabi rin ng PSG na mayroon nang organisadong medical teams at quarantine sites ang nakaposisyon sa Malacañang Complex.
Regular na isinasagawa ng PSG personnel ang sanitation at disinfection sa PSG compound at Malacañang Complex kasama ang mga katabi nitong gusali at pasilidad.
May ilang PSG personnel na naka-facemask, ang nagsasagawa ng temperature check sa lahat ng mga bisita.
Required sa lahat ng mga bisita ang pag-fill up sa declaration form na tinatanong ang lahat ng detalye sa kalusugan at mga lugar na binisita ng isang indibidwal.
(ROSE NOVENARIO)