Thursday , December 26 2024

Pangamba sa MM quarantine

HINDI maiiwasan na may iilang mangamba, kumontra o hindi sumasang-ayon sa utos ni President Duterte na isailalim sa community quarantine ang buong Metro Manila.

Nagbabala nga si Senate President Vicen­te Sotto III na kapag inihiwalay o ibinukod ang Metro Manila sa ibang mga lungsod o lalawigan ay puwedeng mag­resulta sa pagpa-panic ng mga mamamayan at pagho-hoarding ng mga bilihin.

Noong isang linggo ay inianunsiyo kasi ni President Duterte sa buong bansa ang pag­sasailalim sa Metro Manila sa community lockdown, pagpapalawig ng suspensiyon sa klase ng mga estudyante, suspensiyon ng biyahe sa lupa, karagatan at himpapawid, papasok at papalabas sa kabiserang rehiyon simula 15 Marso hanggang 14 Abril 2020 upang makontrol ang pagkalat ng COVID 19 sa ibang bahagi ng bansa.

Naniniwala si Sotto na kalabisan ang naging reaksiyon dahil kapag nagkaroon ng hoarding ay magkakaroon ng kakulangan ng mga supply. Kapag nangyari ito ay posibleng magtaasan ang presyo ng mga bilihin.

Ang lubhang maaapektohan dito ay mga kapos-palad at mahihirap na hindi kayang makipagsabayan ng billihan sa mga may pera.

Pero hindi naman dapat mag-alala sa bilang ng mga bilihin dahil ayon sa mga awtoridad ay nananatiling sapat ito sa merkado. Bukod dito, hindi pipigilan ng mga awtoridad ang pagpasok ng mga produkto sa Metro Manila.

Ang isa pang pangamba ng mga mamamayan, ang posibleng pang-aabuso ng mga pulis at mga sundalo kapag nasa checkpoints ng National Capital Region na posibleng magresulta sa pagkakaaresto ng mga sibilyan kung sa palagay nila ay hindi ito sumusunod sa patakaran.

Kaya ang maipapayo ko sa mga mamamayan ay makabubuting sumunod nang husto sa mga patakaran, sa mga awtoridad at huwag silang lalabag para na rin sa kanilang kaligtasan.

Mahirap na dahil baka nasanay na ang mga naka-uniporme sa mabilisang pag-aresto sa kaisipan na basta naghihigpit sila ay may martial law. Makabubuting umiwas na tayo sa gulo hangga’t maaga.

Naniniwala naman ang World Health Organization (WHO) na tama lang na isailalim sa lockdown ang buong Metro Manila. Mayroon nang mga nasawi at araw-araw ay nadaragdan ang mga nagkakasakit nito.

Mag-ingat sa mga sintomas ng COVID 19. Kung nakakaranas ng pananakit ng katawan, hirap sa paghinga, sipon, sore throat o diarrhea ay makabubuting magpatingin na agad sa pinakamalapit na health center o ospital. Lagi rin maghugas ng kamay.

Ako man ay sumasang-ayon na tamang hakbang ang lockdown. Tama iyong ginawa natin laban sa virus. Kailangan din magsakripisyo ang mamamayan at pati ang ekonomiya. Laging alalahanin na mas mahalaga ang buhay kaysa pera kailanman.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *