Saturday , July 19 2025
congress kamara

Kamara may 2nd covid 19 victim

MATAPOS mamatay ang isang empleyado ng Kamara kamakalawa, nagkaroon muli ng isa pang biktima ang Covid 19 sa Batasan Complex, iniulat kahapon.

Ayon sa isang source, ang pangalawang bikti­ma ay nagtatrabaho sa isang kongresista.

Humingi ng pana­langin ang mga kamag­anak dahil malubha ang kalagayan ng pasyente.

Sa kabila nito, hini­mok ni Albay Rep. Joey Salceda na magkaroon ng ‘total lockdown’ at  ‘home quarantine’ upang matigil ang pagkalat ng COVID-19.

Maaari umanong mag­labas ang go­byerno ng P27.2 bilyon para sa 3.4 milyong pamilya sa Metro Manila lalo para sa NCR informal workers.

Giit ni Salceda ang ‘lockdown’ ay dapat sa bahay at hindi lamang sa komunidad.

“As it is, the com­promised implementation and compromised con­figuration of the com­munity quarantine means that we are almost certain that an exponential growth in cases will continue. You can see how people are crowding in checkpoints and in places where people need to commute,” ani Salceda.

“Around 40 percent of cases were not exposed to known infections. May community transmission na po. That’s the writing on the wall,” aniya.

Ani Salceda, sayang ang sakripisyo ng mga tao kung ang aksiyon ng gobyerno ay walang pinagbabasehan.

“The people are making immense sacrifices to abide by the community quarantine. That’s why we need a strategy that truly works, kasi sayang ang sakripisyo ng mga tao kung hindi data-driven and evidence-based ang approach,” ayon kay Salceda.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

071825 Hataw Frontpage

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng …

Antonio Carpio SC Supreme Court

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon …

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod …

Batangas Money

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas …

BBM Bongbong Marcos BFP

Para sa State of the Nation Address
MGA BOMBERO KATUWANG SA SEGURIDAD NI PBBM

MAGIGING bahagi ang Bureau of Fire Protection (BFP) para magbigay seguridad  sa ika-4 na State …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *