INAASAHANG babagsak ang presyo ng bigas sa P34 hanggang P35 kada kilom sa ikalawang taon na pag-iral ng Rice Tariffication Law.
Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Assistant Secretary Mercy Sombilla sa press briefing sa Palasyo kahapon.
Ang kasalukuyan aniyang presyo ng bigas na P36 kada kilo ay mas mababa sa target na P37, at pinakamababa mula noong 2014.
Mas mababa rin aniya ito ng 12.3 porsiyento sa naitalang P41.63 kada kilo noong Disyembre 2019.
“It’s now even dropping at a lower price. It exceeded pa and we hope that it will still go a little bit lower para mas marami pang makinabang,” dagdag niya.
Umaasa aniya ang P10-billion Rice Competitiveness Enhance Fund (RCEF) ay makatutulong upang lalo pang lumaki ang ani at magpapababa sa presyo ng bigas.
Batay sa ulat ng Department of Agriculture, may 491,756 magsasaka ang nakinabang sa RCEF mula noong Oktubre 2019.
(ROSE NOVENARIO)