WALANG halong politika ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Health secretary ngayong congresswoman Janette Garin kaugnay ng dengvaxia vaccine.
Ito ang tiniyak ng Palasyo matapos makitaan ng probabale cause ng Department of Justice (DOJ) para idiin si Garin at siyam na iba pa sa kasong reckless imprudence resulting in homicide dahil sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailanman, hindi nagkaroon o nahaluan ng politika ang mga kasong nakabinbin sa hudikatura.
Sinabi ni Panelo, maaaring nakakita ng probable cause ang korte kung kaya itinuloy ang demanda kay Garin.
Ayon kay Panelo, hahayaan ng Palasyo ang korte para magdesisyon sa kaso ni Garin at hindi makikialam ang palasyo sa trabaho ng krote.
Una rito, sinabi ni Garin, haharapin niya ang asunto ngunit nakiusap sa Korte na dapat ibase sa siyensiya at hindi sa politika ang kaso.
(ROSE NOVENARIO)