WALANG interes si Pangulong Rodrigo Duterte na panoorin at subaybayan ang gagawing pagdinig ng Senado ngayon kaugnay sa prankisa ng ABS-CBN.
Sinabi ni Presidential Spokesman Rodrigo Panelo na abala si Pangulong Duterte sa tambak na trabaho kaya walang oras na manood ng telebisyon.
Hindi aniya pinakikialaman ng Pangulo ang pagganap sa kanyang tungkulin ng solicitor general.
Naghain ng quo warranto si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema para ipawalang bisa ang prankisa ng ABS CBN.
Ayon kay Panelo, hindi rin panghihimasukan ng Pangulo ang bawat galaw ng Kamara, Senado at iba pang mga representante.
Matatandaang makailang beses nang naghayag ng galit si Pangulong Duterte sa ABS CBN nang hindi isahimpapawid ang kanyang campaign material noong 2016 presidential election kahit bayad na ang airtime.
(ROSE NOVENARIO)