Monday , December 23 2024

Ayuda ng Palasyo sa Honda workers hindi kailangan

HINDI kailangan ayu­dahan ng gobyerno ang mga manggagawa na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng planta ng Honda sa Filipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may build build build program naman ang pamahalaan at maaaring doon mag­hanap ng tra­baho ang mga mangga­gawa ng Honda.

“Alam mo ‘yung sinasabi mong assistance, pag merong mga… they can just apply. We don’t need to assist them in applying,” aniya.

Sinabi ni Panelo, may mga insidente talaga na magsasara ang isang kompanya kung kaya dapat maghanap ng bagong trabaho ang mga apektadong mangga­gawa.

Minaliit ni Panelo ang epekto sa ekonomiya ng pagsasara ng Honda dahil marami umanong kompanya ang pumapa­sok sa bansa at nagnanais maglagak ng puhunan sa pagnenegosyo.

Posible aniyang nalulugi na at wala nang bumibili sa mga sasakyan ng Honda kung kaya nagpasya nang isara ang planta sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *