Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Lihim na modus ng junkshop driver nabuking (Top 10 most wanted timbog sa droga)

ARESTADO ang isang truck driver ng junkshop na lumi­linya sa palihim na pag­tutulak ng droga kama­kalawa ng gabi, 19 Pebrero, sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga.

Sa ipinadalang ulat ni P/Lt. Col. Michael John Riego, hepe ng Lubao Municipal Police Station kay PRO3 director P/BGen. Rhodel Sermonia, naaktohan ng kaniyang mga tauhan na nagbebenta ng hinihinalang shabu ang suspek na kinilalang si Rosalino Martinez, 54 anyos, driver ng truck na naghahatid ng mga kalakal sa iba’t ibang junkshop, at residente sa Bgy. Lourdes, ng nasabing lugar.

Kabilang sa top 10 most wanted sa listahan ng drug personalities sa provincial level ang suspek na sina­bing patuloy sa pagpa­palawak ng baluwarte.

Ayon kay Riego, sumu­ko ang suspek ngunit hindi umano huminto sa ilegal na gawain.

Batay sa imbestigasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), nagsagawa sila ng test buy matapos inguso ng kanilang con­fidential asset ang modus na diskarte ni Martinez.

Habang nagdedeliber sa Olongapo ng mga kalakal ay pipihit ang suspek sa pinagkukuhaang source ng ilegal na droga upang umis­kor at palihim na ipina­mumudmod sa naghihintay niyang mga kliyenteng adik kapalit ng perang ibinabayad sa inorder na shabu.

Makaraang makompir­ma ang modus agad ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek at nagkita sa naturang barangay ang magkabilang panig dakong 10:30 pm na ikinahuli ng suspek.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong sachet ng shabu at P500 marked money ng mga anti-narcotics operative sa inilunsad na buy bust operation.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …