Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DJ Chacha, niratrat ng bashers, pinagre-resign si Sen. Bato

NIRATRAT ng bashers si DJ Chacha dahil sa reaksiyon niya sa Twitter sa nakaraang pahayag ni Senator General Bato de la Rosa na ang loyalty niya ay nakay President Digong Duterte.

Heto ang isang tweet ni DJ Chacha sa pahayag ni Sen. De la Rosa nitong nakaraang mga araw.

“I suggest mag resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag apply na Bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan!”

Mas matindi ang isa pang tweet ng DJ.

“When you’re a public servant and your loyaly is towards a person and not towards the country ang tawag diyan, TUTA.”

Kinabukasan, may pa­saring na siya sa mga tinawag niyang bayad na trolls sa social media.

“In fairness ha, sulit ang bayad sa PAID TROLLS. Ang aga nila magising. Sa nastress sa kanila, again, may block button, gamitin niyo po.

“Yun namang mga legit account, dedma lang kasi entitled naman tayo lahat sa sarili nating opinyon!”

Reaksiyon naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nang mahingan ng reaksiyon sa tweet ni DJ Chacha sa interview sa kanya ng isang radio, “Baka siya naman ang gustong mag-apply. Hayaan mo na lang siya.”

Kada araw, nadaragdagan ang bagong characters sa franch-serye ng ABS-CBN, huh!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …