Saturday , November 16 2024
nbp bilibid

Ambush sa BuCor legal chief walang epekto sa GCTA — Sec. Panelo

KOMPIYANSA ang Palasyo na walang magi­ging epekto sa imbesti­gasyon sa iregular na pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang pananam­bang kahapon sa isang opisyal ng  Bureau of Corrections (Bucor).

Si BuCor chief lawyer Frederick Santos ay tinambangan malapit sa opisina ng  BuCor sa Muntinlupa City habang patungo sa paaralan upang sunduin ang kanyang anak.

Duda ni Panelo, personal ang motibo ng ambush kay Santos at walang kinalaman sa nalalaman niya sa GCTA scheme.

“Siguro mga personal cases ‘yun. ‘Pag ganyang mga tambangan puro personal,” aniya.

Kahit anjya may kinalaman pa sa kanyang trabaho ang pagpatay kay Santos, sigurado naman na may mga lulutang na testigo para ikanta ang nalalaman nila sa GCTA.

“Even assuming that it was done in relation to whatever he has done to this government, still, as I said earlier, it will not thwart or stop the campaign against corruption, because people will always be coming out to tell the truth,” ani Panelo.

Nauna rito, napaulat na nakahanda si Santos na isiwalat sa Senado ang lahat ng kanyang nalala­man sa GCTA scheme  ngunit ayon kay Senate President Tito Sotto, umatras siya.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *