Thursday , May 15 2025

Travel ban vs Taiwan iginiit ng Malacañang

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang pasya na isama ang Taiwan sa mga bansang ipinatutupad ang temporary travel ban.

“The temporary travel ban to and from Taiwan and the Philippines was the decision of the majority members of the Task Force. The health of the Filipino people is our outmost concern,” ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Nais aniya ng pama­halaan na matiyak na walang makapapasok sa Filipinas na mga biya­herong mula sa China.

“We want to ensure that travellers, regardless of nationality, coming from or have been recently to China do not enter Philippines. We under­stand your sentiments, but this measure is necessary and only temporary until the virus is contained,” ani Medial­dea.

Iminungkahi niya sa Manila Economic Cooperation Office (MECO) na magsumite nang umiiral na protocols sa Taiwan sa pag-i-screen sa mga biyaherong mula sa mainland China at sa Special Administrative Regions upang mapag-aralan ng administra­syong Duterte.

ni ROSE NOVENARIO

OWWA
MAKIKIPAG-USAP
SA TAIWANESE
EMPLOYERS

NAKATAKDANG ma­ki­pag-ugnayan ang Over­seas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga employer ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan na kabilang sa mga “stranded” dahil sa ipina­tutupad na travel ban ng pamahalaan kaugnay ng banta ng corona virus disease o COVID-19.

Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, tutulong ang Labor office na makipag-ugnayan sa mga employer ng Pinoy workers sa Taiwan para maunawaan ang situwasyon kaugnay sa travel ban.

Pag-aaralan ng OWWA ang financial assistance para sa OFWs sa Taiwan na hindi pa nakababalik sa kanilang trabaho.

Ayon kay Cacdac, sa kasalukuyan ay inaayu­dahan ng gobyerno ang mga OFW mula China, Hong Kong, at Macau na apektado ng travel ban, na ngayon ay kabilang ang Taiwan dahil sa COVID-19.

Umapela si Cacdac sa publiko na huwag mu­nang mag-isip ng senaryo dahil makikipag-usap ang gobyerno sa Taiwan authorities kaugnay sa situwasyon ng OFWs na hindi na nakabalik sa kanilang employer dahil sa travel ban.

(JAJA GARCIA)

 

About Rose Novenario

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *