Monday , December 23 2024
media press killing

Palace reporters, Defense, FOCAP kontra paninikil sa press freedom

UMALMA ang Mala­cañang Press Corps sa anomang uri ng paraan na sisikil sa kalayaan sa pamahahayag.

Ang pahayag ay ginawa ng MPC kasunod ng paghahain ng quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema laban sa ABS-CBN.

“In light of the recent developments, par­ticularly to ABS-CBN’s franchise issue, the MPC deplores any attempt to curtail these freedoms, in any way and form,” anang kalatas ng MPC na inilabas kaha­pon.

Binigyan diin ng MPC, sa mga nakalipas na taon ay nanindigan ang grupo laban sa mga pagbabanta at pag-atake, kasama ang pagkontra sa paglaganap ng fake news at siraan ang traditional media.

Tiniyak ng MPC, magiging mapagbantay laban sa mga pagtatang­kang gamitin ang mga legal na remedyo at proseso supang sikilin ang malayang pamama­hayag, isang mahalagang salik ng isang matatag na demokrasya ay isang karapatan na nakapaloob sa Saligang Batas.

“Once more, the MPC firmly advocates respect for press freedom as an act of solidarity with ABS-CBN.

We will remain vigilant against attempts to weaponize legal remedies and processes to suppress free expression, a key component of a healthy democracy and a right enshrined in the constitution,” anang MPC.

Kaugnay nito, nag­pahayag din ng pakikiisa ang Defense Press Corps sa mga mamamahayag mula sa ABS-CBN laban sa mga makapang­yari­hang tiwali at abusado.

“We stand by our ABS-CBN colleagues who are among the truth tellers feared by the powerful corrupt and abusive. Shutting down ABS-CBN would be a triumph for the oppressor,” ayon sa kalatas ng DPC.

Nababahala ang Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP) sa mga isinusulong na hakbang ng pamahalaan para ipasara ang ABS-CBN.

“A free media is a cornerstone of a dynamic democracy and even the slightest trace of political persecution undermines the dynamism that makes democracy the most desirable form of governance for Filipinos,” anila sa isang kalatas.

Maging ang Foreign Correspondents Asso­ciation of the Philippines (FOCAP) ay nananawa­gan sa pagkakaisa ng sektor ng media sa panahong nakaamba ang panganib.

“We call on our media colleagues to close ranks in this perilous time. We stand with ABS-CBN. We stand with press freedom,” anang FOCAP.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *