Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VFA tinapos ni Duterte (PH susuyuin ng Kano — Palasyo)

TINULDUKAN na ng administrasyong Duterte ang Visiting Forces Agree­ment (VFA) nang ipadala sa US government ang notice of termination kahapon.

Inianunsiyo ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo kaha­pon.

Magiging epektibo aniya ang pagpapa­walang bisa sa VFA matapos ang 180 araw.

Matatandaan, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbasura sa VFA matapos kanselahin ng US ang visa ni Sen. Ronald dela Rosa.

Si Dela Rosa bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) mula 2016-2018 ang nagpatupad ng madu­gong drug war ng adminis­trasyong Duterte at binatikos maging ng international community dahil sa extrajudicial killings (EJK).

Itinuturing ni Pangulong Duterte na paglabag sa soberanya ng bansa ang nasabing hakbang ng US laban kay Bato maging ang reso­lusyon na ipinasa ng ilang US senators na nagba­bawal makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng Philippine government na nasa likod nang pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

Dahil rito’y pinag­bawalan din ni Pangulong Duterte ang mga miyem­bro ng kanyang gabinete na magpunta sa Amerika.

 (ROSE NOVENARIO)

PH susuyuin ng Kano — Palasyo

NANINIWALA ang Palasyo na susuyuin ng Amerika ang Filipinas dahil sa ginawang pag­basura sa Visiting Forces Agreement ( VFA).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, napuna niya kapag kritiko ng US, mas maayos ang trato ng Amerika habang ang mga deklaradong kakampi ay inaapi.

“Why? Because I’ve been noticing that who have been critical of the US government policies have been given the preferential attention of the US government. ‘Pag nababanatan sila, sinu­suyo nila, iyong mga kakampi nila e, inaapi. Parang ganoon ang dating e,” ani Panelo.

Ito aniya ang dahilan kaya kompiyansa siyang magiging mas mainit ang relasyong PH-US sa pagbasura ng Filipinas sa VFA.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …