Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

8th bridal shower ni Sheena Halili, courtesy of cousin Katrina Halili and Soul Sisters

Sinabi ni Sheena Halili in her Instagram post dated February 7, feeling raw niya’y beauty queen siya sa rami ng kanyang sash na natanggap para sa bridal showers na ibinigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan.

May 8 bridal showers ang bride-to-be at ang latest ay courtesy of her cousin Katrina Halili and three soul sisters — Van Soyosa, a celebrity manager; Arny Ross, a comedienne-model; Jel Capistrano, a GMA Artist Center handler.

Ginanap sa Marina Bay Spa, Seaside Boulevard, Mall of Asia Complex, Pasay, ikino-consider niyang it was the perfect treat before her big day.

The 33-year-old actress asseverated, “Napakasaya ko na makompleto at makita lahat ng kaibigan ko. Nagbigay sila ng oras at effort para i-celebrate ang pagiging soon-to-be misis ko. Nasasanay na ako na weekly may party for me, ha. at ang pinakamasaya lahat sila present sa wedding!

Since November 2019, busy na siya sa mga bachelorette parties na ibinigay ng kanyang mga kaibigan.

Ang una’y ginanap sa busy street ng Takeshita sa Harajuku, Tokyo, Japan.

Ang ikalawa’y ini-organize ng kanyang future mother-in-law, ang ina ng kanyang groom na si Atty. Jeron Manzanero.

Ang ikatlo ay nangyari sa kanyang hometown sa San Fernando, Pampanga, at bale birthday celebration na rin niya.

Her fourth party was inspired by Barbie and was thrown by her friends abroad and high-school classmates.

The fifth was a surprise party that was staged by Katrina, Chariz Solomon, her matron of honor Rich Asuncion, and their circle of friends.

Prelude ito ng isa pang surprise party.

Ang pinakahuli ay ibinigay ng kanyang Kapuso friends.

Ang pangpito ay courtesy of her bridesmaid Brit Romero and the “VV Girls,” na mga barkada ni Jeron.

Sheena exclaimed, “Ang sarap maging bride. Lalo na ‘pag cool ang groom @jemanzanero! Thank you, babe! Ang ultimate kasabwat sa lahat ng bridal shower ko. Last na ba talaga ito? FYI: Akala ko Ninong at Ninang namin ang bibisitahin namin and may simple dinner lang.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …