Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Tom Rodriguez

Kasalang Tom at Carla, kailan na nga ba?

MAG pinagdaanan ang buhay-pag-ibig nina Carla Abellana at Tom Rodriguez kaya naging madalang ang kanilang exposure sa showbiz.

Sa ngayon, tinatanong kung naka-move-on na ba ang dalawa dahil kasali sila sa pinakabagong teleserye ng Kapuso Network.

May special participation si Tom sa nasabing teleserye ganoon din si Carla na matagal nang kinapanabikan ng kanyang mga tagahanga.

Nawala kamakailan sa limelight si Tom dahil sa pagpanaw ng kanyang ama at nasundan pa ng malubhang sakit ng kanyang brother-in-law na may tatlong maliliit pang mga anak.

Malaki ang naging papel ni Carla habang nasa ganitong sitwasyon si Tom dahil palagi siya sa tabi ng syota.

Matagal na ring magsyota ang dalawa kaya maraming umaasang matutuloy sa altar ang dalawa pero sa mga hindi nakaaalam mas unang nagkaroon ng problema si Carla dahil nagkaroon ito ng karamdaman.

The sad part of it, nakagastos ng malaking halaga ang pamilya ni Carla dahil sa maling diagnose sa kanya ng doktor.

Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ng aktres.

Samantala, inamin ni Carla na gusto na nitong makasal sila ni Tom pero mahirap naman na siya pa ang magsabi sa aktor.

Aniya, hindi pa nag-propose ang aktor.

(ALEX DATU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …