Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amo namatay sa nCoV… Ikalawang Pinay DH sa HK isinailalim sa 14-araw quarantine

INIHAYAG ng Konsula­do ng Filipinas sa Hong Kong (HK) ang ikalawang Pinay domestic helper (DH) na isinailalim ngayon sa 14-araw na quarantine bilang protocol ng HK government.

Ang ikalawang Pinay ay nalantad sa kanyang employer nang mag­positibo sa 2019 novel coronavirus-Acute Respiratory Disease (nCoV-ARD) at namatay.

Ayon sa Konsulado, katulad rin ng unang kaso ng Pinay worker na nalantad sa dalawang bisitang Chinese ng kanyang employer na nagpositibo sa naturang virus, ay nasa malusog at maayos na kondisyon ngunit kailangang suma­ilalim din sa quarantine.

Kaugnay nito, muling tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na ang gobyerno ng Filipinas ay vigilante at may matibay na plano upang masiguro ang kalusugan at kapakanan ng mga Filipino sa bansa at sa ibang bansa sa kabila na may mga pangamba ng pagkalat ng 2019-nCoV ARD outbreak.

Patuloy ang ahensiya sa pakikipagtulungan sa mga ahensiya ng pama­halaan upang magpaabot ng agarang tulong sa mga Pinoy na naka-quarantine sa ibang bansa.

“We urge our country­men in affected areas worldwide to abide by the guidelines of host countries and take the necessary personal precautions to ensure their health and safety,” anang DFA.  (JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …